Pano kaya kung hindi ko sinunod si B nung sinabi nyang bumalik na ako dito? Pano kaya kung hindi ako nagdere deretso sa tulay na itinuro nya sa akin? Paano kaya kung pinagpilitan kong sumama kay B nung nasa heaven kami? Paano kaya kung pinairal ko na naman ang pagiging matigas ang ulo at pagiging bratinella nung mga sandaling pinapabalik na nya ako pero pinagpipilitan kong manatili sa tabi nya?
Eh di sana hindi ko iniisip ngayon na paano kaya kung hindi ako natutong mag blog.
Anong koneksyon? Basta.
B, gaya ng sabi ko sayo nung dinalaw kita dyan sa heaven, hindi ako suicidal. Hindi ako quitter. Pero bakit mo sinabi sa akin na pag bumalik ako dito magiging maayos na lahat ng problema ko? Sabi mo magiging masaya na ako pag bumalik ako. Hindi naman pala. Ang daya daya mo. Sinabi mo lang pala yun kasi ayaw ko pang bumalik. Madaya ka.
Labels: Rambled WORDS





